Mayor ng Sultan Kudarat, Tinupad ang Kanyang Pangako sa Batang may Kapansanan

Kahapon lamang, nagviral ang video na pinost sa facebook page ng Mayor ng Sultan Kudarat na si Datu Shameem Biruar Mastura. Maraming humanga sa Mayor at marami rin naman bumatikos.

Sa katunayan ang video na pinost ay umabot na sa 19,289 Shares sa loob lamang ng isang araw.

“Kaninang tanghali pagkatapos bumoto ni mayor habang tinatahak niya ang daan papuntang municipyo nadaanan nito ang isang PWD na batang ito na gumagapang sa kalsada dahil hindi ito makalakad nung tinanong ni mayor kung saan siya papunta sagot ng bata kukunin daw niya ang cellphone niya sa kapit bahay nung nakita ito ni mayor agad niyang pinahinto ang sasakyan at binabaan ang batang ito upang matulungan ayon pa sa alkalde babalik siya sa barangay na ito bukas at babalikan niya ang batang ito para bigyan ng wheelchair at iba pang assistance sabi pa ni mayor ayaw niya nang makita pang muli ang bata na gumagapang sa kalsada kaya bibilhan niya ito ng wheelchair.#abangan ang susunod na kwento bukas.” sabi sa post kahapon sa facebook page ng Mayor.

Ang pangako ni Mayor na bibigyan niya ng wheelchair at iba pang assistance ang bata ay natupad na. Laking tuwa naman ng mga bata at ng kanilang pamilya ang binigay na tulong sa kanila.

Sa pahayag ni Mayor kung bakit raw kailangan pa nila kunan ng video ang pagtulong, hindi umano ito pagpapasikat o pamumulitika. Ang kanyang ginawa umano ay para iparating sa mga public opisyal tulad niya na dapat umano pagsilbihan ang taumbayan, mapa-Muslim man o kristiyano.

“Muling binalikan ni Mayor Datu Shameem ang nakita nitong bata kahapon daladala nito ang tatlong wheelchair dahil napag alaman nito na hindi lamang pala isang bata ang may ganitong sitwasyon kundi tatlo silang magkakapatid kaya tatlong wheelchair ang binigay ni Mayor sa mga bata nagbigay din ito ng groceries at isang sakong bigas para sa darating na Ramadan papagaralin din nito ang dalawang bata sa darating na pasukan. In shaa ALLAH! #LakbayTulong”

Loading...

No comments:

Theme images by sndr. Powered by Blogger.